Siren test sa military base ng US at British troops sa Iraq nagdulot ng tensyon

Nagdulot ng tensyon ang siren test sa military base ng US at British troops sa Iraq.

Inakalang may airstrike na naganap matapos tumunog ang sirena sa al-Taji military base na nasa 30 kilometers lang ang layo mula Baghdad.

Narinig ding tumunog ang sirena sa labas ng US Consulate Office sa Erbil sa Kurdistan Region.

Sa ulat ng Kurdistan local media, nananatiling payapa ang sitwasyon sa al-Taji base at ang nadinig na pagtunog ng sirena ay drill lamang.

Read more...