Pangulong Duterte tinawag na ‘colossal blunder’ si VP Robredo

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo matapos ang pahayag nito na ‘massive failure’ o palpak ang giyera kontra droga ng administrasyon.

Sa ambush interview sa Malacañang Martes ng hapon, sinabi ng pangulo na ‘colossal blunder’ o malaking kamalian si Robredo.

Binatikos din ni Duterte ang pamumuna ng bise presidente.

Ayon sa pangulo, malaking kamalian ang pagkapanalo ni Robredo lalo’t halos 200,000 lang naman ang lamang nito sa katunggali na si Bongbong Marcos.

“I hate to say this but how many voters are there in the Philippines? Just do away with the 200,000 plus she got as a majority over (Bongbong) Marcos. It was really a mistake. With a slim margin and you talk big,” ani Duterte.

Sa nakalipas na mga taon ay wala naman anyang nagawa si Robredo at isa itong ‘colossal blunder’.

“For all of these years, she has done nothing. She’s a colossal blunder. Colossal blunder,” giit ng pangulo.

Matatandaang sa kanyang ulat, sinabi ni Robredo na buhat nang simulan ang drug war, isang porsyento lang ng drug supply ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Inirekomenda rin ni Robredo na ilipar ang chairmanship ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa Dangerous Drugs Board mula sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Pero hindi tinanggap ni Duterte ang rekomendasyon at sinabing walang karapatan si Robredo na turuan siya.

“Kung sakali lang maging Presidente siya gawin niya ‘yan. She does not lecture me. I do not have the slightest… as a lawyer lecturing on me, she should revisit her record, I suggest,” payo ni Duterte kay Robredo.

Read more...