Gobyerno handa sa repatriation ng mga Pinoy sa Iraq

Tiniyak ng pamahalaan ang kahandaan nito sakaling sapilitang pauwiin ang mga Filipino sa Iraq at sa Kurdistan region sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Sa advisory ng Philippine Embassy sa Baghdad Martes ng gabi, pinayuhan ang mga Pinoy na makipag-ugnayan sa embahada kung nais ng repatriation o anumang uri ng tulong.

Maaaring tumawag ang mga Pinoy sa mga numerong

(+964) 781-606-6822
(+964) 751-616-7838
(+964) 751-876-4665
07816066822
07516167838
07518764665
07508105240

Maaari rin makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa pamamagitan ng email na baghdad.pe@dfa.gov.ph o embaphilbaghdad.secretary1@gmail.com at sa kanilang official Facebook account.

Payo ng embahada sa mga Pinoy, manatiling mapagmatyag, mag-ingat at tumutok sa sitwasyon sa lahat ng pagkakataon.

Read more...