Ang ‘ninja cops’ ay yaong mga pulis na sinasabing ibinebenta muli ang mga iligal na droga na kanilang nakukumpiska sa mga operasyon.
Batay sa survey ng SWS, 78% ng mga Pinoy ang naniniwala na may ninja cops, 15% ang hindi tiyak, at 4% lamang ang hindi naniniwala.
Nagbigay ito ng net belief score na +70.
Tinanong din sa survey kung naniniwala o hindi ang mga Pinoy sa akusasyon na si si dating PNP Chief Oscar Albayalde ay protektor ng mga “ninja cops”.
Lumabas na 50% ang naniniwalang protektor ng ninja cops si Albayalde, 13% ang hindi naniniwala, at 37% ang hindi tiyak.
Nagbigay naman ito ng net belief score na +37.
Sa tanong naman kung gaano karami ang ninja cops sa PNP, 23% ng mga Pinoy ang nagsabi na talagang marami, 44% ang nagsabing medyo marami, 28% ang nagsabing kaunti lang at, 3% ang nagsabing halos wala.
Pinakamataas ang net belief sa Metro Manila sa akusasyong may ninja cops sa PNP matapos magtala ng +77.
Sa akusasyon namang protektor ng ninja cops si Albayalde, pinakamtaas ang net belief sa Visayas na nagtala ng +43.
Sa pananaw na marami ang ninja cops, pinakamataas ang sa Metro Manila na may +79%.
Isinagawa ng SWS ang survey ukol sa ninja cops mula December 13 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa.
Ang survey ay non-commissioned ayon sa SWS.