Angkas, posibleng mapasama sa blacklist dahil sa ilang paglabag – LTFRB

Photo grab from LTFRB’s Facebook account

Posibleng mapasama sa blacklist ang motorcycle ride hailing app na Angkas dahil sa ilang paglabag, ayon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay matapos lumabag ang Angkas sa itinakdang patakaran ng technical working group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr).

Sa isang press briefing, sinabi ni TWG chairman at LTFRB Retired P/Maj. Gen. Antonio Gardiola Jr., napag-alaman kasing lumabag ang Angkas dahil sa pag-operate sa labas ng itinalagang pilot areas para sa motorcycle taxi pilot run tulad sa Cagayan de Oro City at General Santos City.

Pinapayagan lamang ang motorcycle taxis sa Metro Manila at Metro Cebu.

Sinabi ni Gardiola na hihintayin pa ang report mula sa Cagayan de Oro City kung ilang Angkas riders ang nag-ooperate sa lugar.

Read more...