Liquor ban, ipinatupad para sa Pista ng Itim na Nazareno sa Cagayan de Oro

Ipinatupad ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ang liquor ban kasunod ng idaraos na Pista ng Itim na Nazareno.

Sa inilabas na Executive Order no. 005 2020, ipinagbawal ang pagbebenta ng mga nakalalasing na inumin sa 300-meter radius ng ruta ng isasagawang Traslacion ng Itim na Nazareno sa lugar.

Epektibo ang liquor ban mula 5:00, Miyerkules ng hapon, hanggang Huwebes ng tanghali.

Magsisimula ang Traslacion ng Itim na Nazareno sa lugar bandang 5:00, Huwebes ng madaling-araw.

Ipinagbawal din ang pagpapalipad ng drone sa kasagsagan ng prusisyon.

Read more...