Inihayag ng PAGASA na walang inaasahang papasok o mamumuo na anumang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw
Sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na manipis na kaulapan lamang ang umiiral sa malaking bahagi ng Luzon partikular sa Bicol region, CALABARZON at kung minsan ay tumatama rin sa Metro Manila.
Easterlies naman aniya ang nararanasan sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, magiging maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon.
Gayunman, nag-abiso si Ordinario na maaari pa ring makaranas ng isolated light rains sa Northern Luzon at Metro Manila.
Intertropical Convergence Zone o ITCZ naman ang nagdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.
Samantala, sinabi ni Ordinario na bahagya nang humina ang epekto ng Northeast Monsoon o Amihan dahilan para makaranas ng mainit na temperatura.