Ayon kay House Majority Floor Leader Martin Romualdez, dahil sa on-time na paglagda sa pambansang pondo, mas magagawa nilang iprayoridad sa 2020 ang mga panukala na magbibigay ng benepisyo sa mga Filipino partikular ang iba pang economic policies at tax reform measures.
Nauna nang inaprubahan bago mag-session break ang Kongreso ang ilang tax reform bills tulad ng pag-amyenda sa Foreign Investment Act of 1991, ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), at ang Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Act (CITIRA).
Dahil naman sa maagap na pagsasabatas sa 2020 budget, kumpyansa ang Kamara na makukuha ng bansa ang 7.5% economic target sa 2020, mas mataas sa 6.5% noong nakalipas na taon.