Japanese PM Shinzo Abe, bibisita sa Middle East sa kabila ng tensyon

Tuloy pa rin ang pagbisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Middle East sa kabila ng namumuong tensyon matapos ang pagkasawi ng isang Iranian top general.

Batay sa ulat, kinumpirma ng tagapagsalita mula sa prime minister’s Liberal Democratic Party na tuloy ang biyahe ni Abe mula sa January 12 hanggang 15.

Bibisitahin ni Abe ang Saudi Arabia, Oman at United Arab Emirates (UAE).

Sa isang pulong, inihayag ng prime minister ang pagkabahala sa tensyon sa Gitnang Silangan.

Nais aniya niyang makatulong sa na makamit ang kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng diplomatic efforts.

Read more...