Tarragona, Davao Oriental nilindol

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Tarragona, Davao Oriental Martes ng hapon.

Batay sa impormasyon ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 34 kilometers Southeast sa nasabing bayan bandang 5:00 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...