U.S. Embassy sa Maynila, naglabas ng security alert sa Pilipinas

Naglabas ang U.S. Embassy sa Maynila ng security alert sa Pilipinas.

Sa abiso, sinabi ng embahada na ito ay kasunod ng namumuong tensyon sa Middle East na maaaring magresulta ng panganib sa mga Amerikano sa ibang bansa.

Tiniyak naman ng embahada na patuloy nilang ire-review ang seguridad at magbibigay ng karagdagang impormasyon kung kinakailangan.

Nagpaalala ang embahada na gawin ang mga sumusunod:
– Manatiling low profile
– Maging mapagmasid sa paligid
– Manatiling alerto sa mga lokasyon na maraming turista
– I-review ang personal na security plans
– Magkaroon ng updated na travel documents

Sa mga mangangailangan ng tulong, maari namang dumulog sa embahada sa mga sumusunod na paraan:
– Hotline +63 (2) 5301-2000
– ACSInfoManila@state.gov
– 888-407-4747 o 202-501-4444 (State Department – Consular Affairs)
– Philippines Country Information
– Mag-enroll sa Smart Traveler Enrollment Program (STEP) para makatanggap ng security updates
– Sundan ang Twitter at Facebook accounts ng embahada

Read more...