Si MMDA Chairman Danny Lim, na siyang namumuno din sa MMDRRMC, ang nag utos na itaas ang ‘blue alert status’ sa lahat ng disaster and emergency response units ng ahensiya hanggang sa araw ng Biyernes, Enero 10.
Paliwanag ni Michael Salalima, ang chief of staff ng MMDA Office of General Manager, ang lahat ng response clusters and members ng MMDRRMC ay nasa ‘standby status’ at handing rumesponde sa anumang maaring mangyari kasabay ng Traslacion.
Kanina ay nagsagawa ng inspection si Lim sa Quirino Grandstand, kung may mga deboto na ng Nazareno ang nakalinya para sa tradisyonal na pahalik bago ang prusisyon.
Aniya, 1,000 sa kanilang mga tauhan ang tutulong sa pagpapanatili na kaayusan sa pahalik.
Naatasan naman ang kanilang traffic constables na ayusin ang trapiko sa Quirino Grandstabd, Quiapo Church at pagsasagawa ng clearing operations sa ruta ng prusisyon.
Ang kanilang Sidewalk Clearing Operations Group at Metro Parkways Clearing Group ang magsisilbing ‘crowd control unit’ naman sa pahalik at magtatanggal ng lahat ng uri ng sagabal sa ruta ng Traslacion.