Paliwanag ni Lacson ang panukala ay kaugnay sa wiretapping calls sa mga hinihinalang sangkot sa mga krimen, kasama na ang treason, rebellion, kudeta, sedition, kidnapping, robbery in band, drug related offenses, money laundering, plunder, bribery at corruption of public officials, gayundin ang espionage.
Aniya ito ay masasabing consensual monitoring kung saan maaring mai-record ang isang pribadong pag-uusap kung ang isa sa dalawang partido ay pumayag na mapakinggan ang kanyang pakikipag-usap.
Dagdag pa ng senador mapapabilis nito ang proseso para sa pag wiretap dahil hindi na kakailanganin pa ang pagpayag ng korte.
Pagtitiyak naman ni Lacson na magagarantiyahan pa rin sa kanyang panukala ang ‘right to privacy’ ng indibiduwal.
Dagdag pa nito, magagawa lang ang pag-record ng pag-uusap kung may sapat na ebidensiya na ito ay magagamit para sa pagsasampa ng matibay na kaso.
Nabatid din na ang anuman ebidensiya na makukuha gamit ang batas ngunit may mga paglabag sa probisyon ay hindi maaring magamit o tanggapin na ebdiensiya sa pagsasampa ng kaso.