Sulop, Davao Del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Sulop sa Davao Del Sur.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 5 kilometers northwest ng Sulop alas 6:42 ng umaga ng Martes, Jan. 7.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim lang na 1 kilometer.

Naitala ang Intensity II sa Tupi, South Cotabato at sa Malungon, Sarangani bunsod ng pagyanig.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...