Water level ng Angat dam nadagdagan pa sa nakalipas na magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2020 - 07:07 AM
Tumaas pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Jan. 7 ay nasa 204.38 meters ang antas ng tubig ng dam.
Wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nanatili sa 101.10 meters atn 77.73 meters.
Nadagdagan din sa magdamagang antas ng tubig sa Ambuklao at Binga dams.
Nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.