Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA Albay at Sorsogon

Nakataas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa lalawigan ng Albay at Sorsogon.

Ayon sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ng Martes, January 7, yellow warning ang umiira sa dalawang lalawigan.

Inuulan kasi ang Albay at Sorsogon bunsod ng tail-end ng cold front.

Pinayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Inabisuhan din silang mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA.

Read more...