Tatagal ang ‘code white’ alert hanggang sa Biyernes, January 10.
Ayon kay DOH- Health Emergency Management Bureau (HEMB) Director, Dr. Gloria Balboa, layon nitong matiyak ang kahandaan ng mga pasilidad at maging ang pagresponde ng medical units sa Traslacion.
Handa na rin anya ang 20 medical teams na ipakakalat sa kabuuan ng prusisyon sa Huwebes, January 9.
Bawat medical team ay binubuo ng dalawang doktor, dalawang nurse at paramedics at ipakakalat sa kahabaan ng ruta ng prusisyon.
May mga ambulansya rin na ilalagay malapit sa medical posts habang ang Metro Manila Center for Health Development (MM-CHD) ay maglalatag ng communication post para sa agarang pag-asiste.
Pinayuhan naman ni Balboa ang mga deboto na magsuot lamang ng light-colored shirts para maiwasan ang heatstroke at hinimok ang pagdadala ng sombrero, pamaypay at panyo.
Pinagdadala rin ang sila ng kapote sakaling biglang umulan.
Ang mga may sakit ay pinayuhang magdala ng gamot partikular ang may chronic asthma, hypertension, o diabetes.
Hinimok naman ng DOH ang may mga seryosong kondisyong medikal at mga buntis na huwag nang sumama sa Traslacion.
Hindi na rin dapat umano magdala ng mga sanggol, bata at maging matatanda para maiwasan ang injuries o kung ipipilit man ay dapat magdala ng identification cards para sa emergency situations.