Korean national, nahulog sa condominium sa Maynila

Isang lalaking Korean national ang hinihinalang nahulog mula sa ika-18 palapag ng condominium sa Taft Avenue, Maynila, bago mag-alas-2:00 Martes ng madaling-araw.

Ayon sa Manila Police District Homicide Division, nasa higit 40 anyos ang lalaki na suot ang grey na t-shirt at itim na shorts.

Bagong lipat lang umano sa kanyang unit ang lalaki kaya inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.

Bumagsak ang lalaki sa compound ng De La Salle University.

Inaalam ngayon ng pulisya kung ito ba ay aksidente, kaso ng suicide o may foul play.

Binubusisi na ang CCTV footages kung may kasamang pumasok sa loob ng condo ang biktima.

Read more...