M3.2 na lindol naitala sa Quezon

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Quezon alas-2:04 Martes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 32 kilometro Hilagang-Silangan ng Jomalig.

May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...