Maine ginawa muli ang ‘Tala dance challenge’ kasama si Ryzza Mae

Sa ikalawang pagkakataon, muling sinayaw ni Maine Mendoza ang Sarah G. hit na ‘Tala’.

Mula sa viral version nila ng boyfriend na si Arjo Atayde, kasama naman ngayon ni Maine sa dance challenge si Ryzza Mae Dizon.

Ibinahagi ni Ryzza Mae sa Facebook Lunes ng hapon ang sayaw nila ni Maine.

Sa ngayon ay mayroon na itong halos 6,500 reactions.

Patuloy ang pagsikat ng kanta ng Popstar Royalty at maraming celebrities ang kumasa sa dance challenge nito Kapuso man o Kapamilya kabilang na sina Maine at Ryzza Mae.

Sa ngayon ay may higit 31,000,000 views na ang official music video ng Tala sa YouTube.


Read more...