Sasakyan ni Rep. Taduran nabiktima ng basag-kotse gang sa mall sa Quezon City

Nabiktima ng basag-kotse gang ang sasakyan ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena ‘Niña’ Taduran sa parking area ng isang mall sa Aurora Blvd., Quezon City, Lunes ng gabi.

Binasag ang salamin sa likuran ng driver seat at nakuha ang personal na mga gamit ng kongresista kabilang ang isang House-issued laptop, cellphone, alahas at cash.

Nasa P240,000 ang halaga ng mga natangay na gamit.

Dismayado si Taduran matapos mapag-alamang walang CCTV footage ang parking area ng mall.

Ipinarada ang sasakyan sa parking area ng mall matapos ihatid si Taduran sa Malacañang para sa ceremonial signing ng 2020 national budget.

Kumain sa mall ang mga kasamahan ng kongresista at pagbalik ay basag na ang salamin ng sasakyan.

Sinabi umano ng pamunuan ng mall kay Taduran na iniimbestigahan na ang insidente.

Inaalam na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa modus.

Read more...