Pinag-iingat ang mga Filipinong nananatili sa Hong Kong laban sa umano’y nakakahawang sakit sa China.
Isang uri ng “viral pneumonia” ang kumakalat na nagmula sa Wuhan, China.
Dahil dito, itinaas ang Serious Response Level sa Hong Kong dahil sa posibilidad na kumalat ang sakit at magdulot ng “public health emergency.”
Sa inilabas na abiso, sinabi ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na naglabas na ang Hong Kong government ng plano para sa paghahanda at pagtugon sa sakit.
Tiniyak ng konsulado na magbibigay ng update ang Hong Kong government sa publiko ukol sa patuloy na pagsusuri ng sakit.
Pinayuhan din ang mga Filipino na alagaan ang kalusugan at maging maingat sa paghahanda ng pagkain.
Para sa mga nais kumuha ng update ukol sa sitwasyon ng sakit, maaring pumunta sa website ng Hong Kong Centre for Health ng DOH sa www/chp.gov.hk/en/media/116/index.html.
Maaari ring tumawag sa Philippine Consulate General Hong Kong hotline na (+852) 9155-4023.