Sa talumpati sa Camp Crame, inihayag ni Año na nakalulungkot na mayroon pang agam-agam ang mga tao na magtiwala sa pambansang pulisya.
Ngunit, ayon sa kalihim, malaking hamon ito sa PNP.
Sinabi pa ni Año na bawat pulis ay may kontribusyon sa pagbuo ng imahe ng PNP.
Dahil dito, dapat aniyang magsilbing “messenger of goodwill” ang mga pulis lalo na bilang public servant, protekto at tagapagligtas anuman ang ranggo nito.
Samantala, iginiit ni Año na hindi siya nagdadalawang-isip na gawin ang mga hakbang hanggang sa maalis ang mga pasaway na pulis sa PNP.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Año na pamunuan at ayusin ang hanay ng pulisya.