Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang sa inilabas na ulat ni Vice President Leni Robredo ukol sa kampanya kontra sa ilegal na droga.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ipinarating pa ni Robredo na mayroon siyang isisiwalat na nadiskubreng iregularidad sa drug war.
Ngunit, wala naman aniyang bago sa mga sinabi ng bise presidente sa ulat nito.
Bwelta pa ni Panelo, paanong masasabing “failure” ang war on drugs campaign gayung marami nang barangay sa bansa ang drug-free na.
Hahayaan aniya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agency na pag-aralan ang mga ibinigay na rekomendasyon ni Robredo.
MOST READ
LATEST STORIES