Ayon kay Romero, ito ay upang maiwasan ang posibleng pagtaas ng inflation dahil sa gulong inaasahan sa Gitnang Silangan at ng Estados Unidos.
Maari din anya na suspendihin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba pang oil imports base sa temporary calibrations salig na rin sa tariff at taxation laws.
Dapat din anyang atasan ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis na paabutin ng 30 araw ang kanilang fuel reserves.
Kaugnay nito, nanawagan si Romero sa Kongreso na aprubahan na ang kanyang panukala upang magkakaroon ng National Fuel Reserve ang bansa na magsisilbing insurance protection laban sa inflation dulot ng mataas na presyo ng langis sa world market.
Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas kaugnay sa inaasahang pagganti ng Iran sa ginawang airstrike ng US sa Baghdad airport na ikinasawi ni Iran top general Qassem Soleimani.