Pag-regulate sa virtual banking industry, isinususlong ni Rep. Salceda

Isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang isang panukala upang magkaroon ng regulasyon sa virtual banking.

Base sa inihaing House Bill 5913 ni Salceda, sinabi nito na ang pagkakaroon ng regulatory framework para sa virtual banks ay magpapalakas ng financial inclusion thrust na nais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa pagtaya ng mambabatas, magpapataas mula sa pagitan ng 2.83 percent hanggang 4.34 percent ang share sa virtual only banking na kabuuang assets ng universal at commercial banks.

Makakapag-engganyo din aniya ito ng pagtaas sa virtual banking industry patungo sa P903 bilyon.

Magbibigay din ang panukala ni Salceda ng proteksyon sa mga consumer kabilang ang deposit insurance gayundin laban sa mga hindi awtorisadong transaksyon.

Paliwanag ng mambabatas, ang virtual banking ay isa sa latest innovations sa financial services dahil sa pagiging accessible sa digital platforms tulad ng mga mobile phone applications.

Base sa datos ni Salceda, nasa 30.4 milyon ang smartphone users sa Pilipinas hanggang noong taong 2017.

Read more...