Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 31 kilometers Southwest ng nasabing bayan bandang 3:25 ng hapon.
Tectonic ang dahilan ng lindol at 17 kilometers ang lalim.
Dahil dito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 5:
– Sarangani, Davao Occidental
Intensity 4:
– Glan, Sarangani
Intensity 3:
– General Santos City
Intensity 2:
– Kiamba, Malungon at Alabel, Sarangani
– Polomolok at Tupi, South Cotabato
Samantala, instrumental intensities naman ang naramdaman sa mga sumusunod:
Intensity 3:
– General Santos City
Intensity 2:
– Malungon, Alabel at Kiamba, Sarangani
– Tupi, South Cotabato
Intensity 1:
– Koronadal City
– Kidapawan City
Wala namang pinsala na naitala sa lugar.
Gayunman, inaasahan pa ang aftershocks matapos ang pagyanig.