Umano’y Swedish pedophile, naharang ng BI sa Mactan airport

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang Swedish pedophile sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA), Sabado ng hapon.

Ayon kay Grifton Medina, hepe ng BI acting port operations division, pinigilang makapasok ng paliparan si Dick Fredrik Martin Steen, 37-anyos.

Ani Medina, si Steen na isang convicted sex offender, ay lulan ng China Southern Airlines flight mula saGuangzhou, China.

Nakita aniya ng immigration officer na si Steen ay nasa listahan ng registered sex offenders (RSOs) ng Interpol.

“The immigration officer who processed him saw that his name was in the Interpol’s list of registered sex offenders (RSOs), thus he was excluded and booked on the first available flight to his port of origin,” ani Medina.

Ayon naman kay BI border control and intelligence unit (BCIU) chief Atty. Rommel Tacorda, subject si Steen ng inilabas na green notice ng Interpol noong May 2019.

Mayroong anak na babae si Steen sa Thailand kung saan ang ina nito ay nabuntis umano ng dayuhan noong 14-anyos pa lamang ang biktima.

Dahil dito, hinatulang guilty ng Thai court si sa kasong physical sexual abuse against children noong 2011 o dalawang taon matapos isilang ng biktima ang bata.

Napaulat din na noong 2017 ay na-convict si Steen dahil sa pag-download at pagkakaroon ng pornographic pictures ng mga bata sa Norway.

Tiniyak naman ng BI na kabilang na si Steen sa blacklist ng ahensya.

Read more...