Isa pang akusado sa Maguindanao massacre, nahuli na ng pulisya

Naaresto na ng pulisya ang isa pang akusado sa Maguindanao massacre, Lunes ng madaling-araw.

Ayon kay Brig. Gen. Marni Marcos, director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nahuli si Faisal Dimaukom alyas Kagi Faizal sa operasyon ng pulis bandang 5:05 ng madaling-araw.

Ikinasa ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division at Regional Mobile Force Battalion 14 ang operasyon sa Barangay Kabengi sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.

Nakuha kay Dimaukom ang isang hand grenade.

Dadalhin naman si Dimaukom sa Parang Municipal Police Station.

Tiniyak ng pulisya na paiigtingin pa ang kanilang intelligance gathering at operasyon para mahuli ang mga akusadong nananatiling at-large.

Read more...