Sen. Imee Marcos may pangamba sa red onion importation

BOC File Photo
Matabang si Senator Imee Marcos sa plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng mga pulang sibuyas dahil sa kakapusan ng suplay nito sa bansa.

Nangangamba si Marcos na kapag bumaha naman ang imported red onion sa merkado ay maapektuhan ang mga lokal na nagtatanim ng pangunahing sangkap na panggisa.

Aniya sa Marso ay magsisimula nang anihin ang mga lokal na pulang sibuyas.

Sinabi ng senadora maaring hindi mabenta ang mga lokal na pulang sibuyas dahil sa mga mga inangkat na red onion.

Dagdag pa nito baka matulsd ito sa ginawang pag angkat ng imported rice noong nakaraang taon na hindi naman halos nagpababa ng presyo ng bigas sa bansa.

Nito nagdaan Kapaskuhan pumalo sa P180 hanggang P240 ang kada kilo ng pulang sibuyas dahil kapos ang suplay.

Read more...