Naniniwala si House Majority Leader Martin Romualdez na lalo pang lalakas ag ekonomiya ng bansa oras na maging ganap na batas ang panukalang P4.1 trillion national budget.
Ayon kay Romualdez, makakamit ng bansa ng mataas na credit rating bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo ng 2022.
Sinabi nito na nagtatrabaho ng maigi si pangulo upang magkaroon ng komportableng pamumuhay ang mga Filipino.
Ang paglakas anya ng ekonomiya ng bansa ay dahil sa economic policy ni pangulong Duterte na patuloy na nagsusulong ng mga reporma.
Iginiit ni Romualdez na ginagawa ng Mababang Kapulungan sa pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano ang kanilang trabaho upang patuloy na maisulong ang mga nais na reporma ng pangulo.
Ngayong araw, inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act para sa taong 2020.