Catriona Gray magkakaroon na ng wax figure sa Madame Tussauds Singapore

Magkakaroon na rin ng kaniyang Madame Tussauds wax figure si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Inanunsyo ito ni Gray sa kaniyang Instagram account.

Ayon naman sa pahayag ng Madame Tussauds Singapore, isusuot ng wax figure ni Catriona Gray ang replica ng kaniyang iconic lava gown na inspired sa Mayon Volcano at likha ng designer na si Mak Tumang.

Ito ang suot ni Gray ng manalo bilang Miss Universe.

Si Catriona Gray ang magiging kauna-unahang Filipino na magkakaroon n g wax figure sa Madame Tussauds Singapore.

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay may wax figure na sa Madame Tussauds Hong Kong.

Read more...