Sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa mas palalakasin ang drug war laban sa mga itinuturing na middle-level at high-value targets.
Sa Martes, magkakaroon ng command conference ang PNP at kabilang ito sa tatalakayin sa mga directorial staff, regional directors, at mga direktor ng national support units.
Sinabi ni Gamboa na maraming high-value targets ang minomonitor ngayon ng PNP.
Katunayan, talamak pa rin aniya ang kalakaran ng ilegal na droga sa Metro Manila, BARMM, Western Visayas, Central Visayas at sa Zamboanga Peninsula.
MOST READ
LATEST STORIES