Ayon sa bagong talagang pinuno ng AFP na si Lieutenant General Felimon Santos, kabilang sa binabantayan ang mga ulat na maaring makisimpatya sa Iran ang mga lokal na terorista kasunod ng pagkasawi ng kanilang top general na si Qassem Soleimani.
Sa ngayon tiniyak naman ni Santos na wala pang namomonitor ang AFP na anumang banta sa bansa.
Sa ipinatawag na emergency meeting sa Malakanyang sinabi ni Santos na labis na inaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakanan ng mga Filipino sa Iran.
Inatasan aniya ng pangulo ang lahat ng security officials na maging handa sakaling kailanganin ang paglilikas sa mga Pinoy sa Iraq at Iran.
Ani Santos, sa panig ng AFP ay kabilang sa inihahanda ang mga C-130 plane para ideploy sa Iran.