Papremyo sa “Premyo Bonds” ng Bureau of Treasury tinaasan pa

Dinagdagan ng Bureau of Treasury ang papremyo para sa “Premyo Bonds” nito.

Ito ay makaraang mahigitan ang target dahil madami ang naging interesado at naglagak sa “Premyo Bonds”.

Ayon sa BOT, nakabenta ng halos P5 billion sa “Premyo Bonds”.

Dahil dito, sinabi ng Department of Finance (DOF), aabot na sa P4.5 million ang ipapa-raffle kada quarter, mas mataas kumpara sa unang inihayag na P3 million.

Mayroong isang mananalo ng P1 million kada raffle. Maliban dito, kada quarter ay kukuha din ng 15 mananalo ng P100,000 ang 100 katao na mananalo ng P20,000.

Sa ilalim ng “Premyo Bonds” hinikayat ang publiko na maglagak ng minimum na P500 sa Bureau of Treasury.

Tutubo ito ng 3 percent kada taon at ang mga naglagak ng bond ay pwedeng mabunot sa raffle.

Read more...