Kinaroroonan ng mga Pinoy sa Iraq tinutukoy na ng embahada ng Pilipinas

Hinahanap na ng Embahada ng Pilipinas sa Iraq ang kinaroroonan ng mga Filipino doon.

Ito ay kasunod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at U.S.

Ilang pag-atake na ang naganap sa Green Zone malapit sa Embahada ng U.S. sa Baghdad.

Nagpadala na ang Philipine Embassysa Iraq ng sulat sa mahigit 51 kumpanya doon na posibleng mayroong empleyadong Pinoy.

Sa sulat ng embahada, hinihingi ang kooperasyon ng mga kumpanya para pagkalooban ng karampatang dokumento ang mga Filipino workers upang sila ay makauwi ng Pilipinas.

Humihingi rin ang embahada sa mga kumpanya sa Iraq ng bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa kanila.

Pinaglalatag din ang mga kumpanya ng contingency plan para sa mga Filipino workers kung sakaling kailanganin ang paglilikas.

Umiiral ang deployment ban sa mga bagong manggagawa sa Iraq.

Pero ayon sa embahada ng Pilipinas, pababalikin naman ang mga Pinoy na uuwi sa sandaling maging maayos ang sitwasyon.

Read more...