Sa gitna ng break-up issue, JaDine magkasamang umakyat sa Mt. Ulap sa Benguet

Sa gitna ng mga bali-balitang sila ay hiwalay na, magkasamang umakyat sa Mt. Ulap sa Itogon, Benguet sina James Reid at Nadine Lustre.

Ang pag-hike sa Mt. Ulap ay tradisyon na sa magkasintahan at tatlong sunod na nilang ginagawa kada simula ng taon.

Sa ibinahaging mga larawan ng mga fans ng dalawa sa Twitter account na “JADINE NATION”, ang pag-akyat sa Mt. Ulap ng dalawa ay nangyari kahapon.

Makikita ring pina-unlakan nila ang pagpapakuha ng larawan kasama ang mga local sa Itogon.

Una rito ay nag-react si Lustre sa artikulong isinulat ng entertainment writer na si Ricky Lo.

Isinulat ni Lo na totoo at hindi fake news ang hiwalayan ng dalawa at nagiging maingat si James sa isyu para protektahan ang kondisyon ni Nadine na umano ay “nakararanas ng mental illness”.

Sa kaniyang Instagram Story, sinabi ni Nadine na walang totoo sa mga isinulat ni Lo.

Hindi rin aniya tamang ginamit ni Lo ang isyu sa mental situation o tragic past para patunayan lang ang kaniyang isinulat.

Ani Nadine, napakasensitibong usapin ng mental illness.

Read more...