5 patay, 60 sugatan sa aksidente sa toll road sa Pennsylvania

Patay ang limang katao habang 60 ang dinala sa ospital sa aksidenteng naganap sa toll road sa Pennsylvania.

Nagkarambola ang dalawang tractor-trailers, isang chartered bus at isa pang pampasaherong sasakyan.

Nangyari ang aksidente sa westbound lane ng toll road sa Mount Pleasant Township ayon sa tagapagsalita ng Pennsylvania Turnpike.

Dahil sa matinding aksidente, isinara ang buong 86-mile na haba ng kalsada.

Makikita sa mga larawan ang truck ng FedEx na sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog pa ang mga karga nito sa loob.

Iniimbestigahan na ng National Transportation and Safety Board ang sanhi ng aksidente.

Read more...