Malacañang, idineklarang special non-working day ang January 10 sa Koronadal City

Idineklarang special non-working day ng Palasyo ng Malacañang ang January 10, 2020 sa Koronadal City, South Cotabato.

Sa Proclamation No. 871 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang deklarasyon ng holiday ay para sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Ginaganap din ngayon sa lungsod ang ika-20 Hinugyaw Festival.

Dahil dito, sinabi ng Malacañang na dapat mabigyan ng buong pagkakataon ang mga mamamayan ng Koronadal na makalahok sa mga selebrasyon.

Read more...