Erik, Rachelle at Sarah muling nagkasama-sama

“Sana all.”

Natuwa ang kani-kanilang fans matapos muling magkasama-sama sina Sarah Geronimo, Erik Santos at Rachelle Ann Go.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinihagi ni Erik ang bonding nilang tatlo ng kanyang dalawang kaibigan sa isang hotel sa Makati.

Inihalintulad ng Prince of Pop ang kanilang pagkakaibigan sa kanyang masikip na pantalon.

Magugunitang nabuo ang pagkakaibigan ng tatlo matapos maging bahagi ng ASAP Champions kasama sina Mark Bautista, Christian Bautista at Sheryn Regis.

Humakot ng higit 38,000 likes ang IG post ni Erik.

Marami ang umaasang magkakasama muli ang tatlo at ang iba pang ASAP Champions sa entablado.

Read more...