Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) araw ng Linggo ang paghahanda sa air at naval assets nito para sa posibilidad ng sapilitang pagpapauwi sa mga Pinoy sa Middle East bunsod ng lumalalang tensyon sa rehiyon.
Ayon kay Department of National Defense (DND) spokesperson Director Arsenio Andolong, nagpatawag ng emergency meeting ang presidente Linggo ng hapon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana at matataas na opisyal ng pulisya at militar.
Tinalakay anya sa pulong kung paanong matitiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Middle East lalo na ang nasa Iraq at Iran lalo’t lumalala ang tensyon sa pahitan ng Iran at Estados Unidos.
“The sole agenda was how to ensure the safety of our countrymen in the Middle East especially those in Iraq and Iran as the tension between the US and Iran rises,” ani Nadolong.
Ayon pa sa opisyal, sakaling sumiklab ang kaguluhan ay ipinauuwi ng presidente ang mga Filipino.
“The President has tasked the AFP to prepare its air and naval assets to evacuate and bring home our countrymen if and when open hostilities erupt in the Middle East that may endanger their lives,” dagdag ng opisyal.
Ayon kay Andolong, mayroong 1,600 Pinoy sa Iran at 6,000 sa Iraq.
Una nang pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na kanselahin muna ang lahat ng biyahe patungo sa Iraq.
Magugunitang uminit ang tensyon sa pagitan ng US at Iran nang masawi sa US drone strike sa Baghdad airport ang top General ng Iran na si Gen. Qassem Soleimani.
Statement of the DND on the situation in the Middle East
President Rodrigo Roa Duterte called the SND, CSAFP, Chief PNP, commanders of the Army, Navy and Air Force, and their principal staffs for an emergency meeting this Sunday afternoon (5 Jan 2020) in Malacañang.
— Armed Forces of the Philippines (@TeamAFP) January 5, 2020