VP Robredo, nakiramay sa pamilya ng mga nasawing Filipino sa Singapore

Nagpaabot ng pakikiramay si Vice President Leni Robredo sa naiwang pamilya at mahal sa buhay ng dalawang Filipino migrant worker na nasawi bunsod ng aksidente sa Singapore.

Sa isang programa sa radyo, sinabi ni Robredo na parang “freak accident” ang nangyari sa bahagi ng Lucky Plaza kung saan tumatambay ang ilang overseas Filipino workers (OFW) sa nasabing bansa.

Nakakalungkot aniya ang pagkasawi ng mga dalawang Filipino dahil biglaan ang insidente.

Matatandaang apat na Filipino pa ang nasugatan sa aksidente.

Read more...