Ipinatupad ni Maanila Mayor Isko Moreno ang ‘zero vendor’ policy sa kasagsagan ng Traslacion 2020.
Sa “The Capital Report” ng alkalde sa Facebook, sinabi nito na ipagbabawal ang lahat ng vendor o anumang uri ng obstruction sa buong Quiapo at ang dadaanang ruta ng Traslacion.
Paliwanag ni Moreno, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng milyun-milyong nakapaang deboto.
Taun-taon na lamang kasi aniyang napapaulat ang mga kaso ng pagkasugat sa kasagsagan ng Traslacion dahil sa mga kalat sa kalsada.
Dagdag pa ng alkalde, ito ay pagbibigay galang din sa Poong Nazareno.
Humiling naman si Moreno ng pakikiisa sa mga taga-Maynila at mga dadalong deboto sa nasabing pista.
MOST READ
LATEST STORIES