Nicole Kidman, Keith Urban nag-donate ng $500,000 sa bushfires sa Australia

Nagpaabot ng tulong ang Hollywood actress na si Nicole Kidman at asawa nitong singer-songwriter na si Keith Urban para sa mga biktima ng bushfires sa Australia.

Sa Instagram, inihayag nina Nicole at Keith na patuloy ang pagdarasal ng kanilang pamilya para sa mga biktima ng bushfires.

Sinabi nito na magdo-donate sila ng $500,000 sa Rural Fire Services na rumeresponde sa mga sunog sa nasabing bansa.

Para sa mga nais pang mag-donate, nag-post ng larawan ang dalawa kung saan makikita ang mga link ng local state fire services.

Maliban dito, nagparating na rin ng donasyon ang singer na si Pink ng $500,000.

Sa caption ng kaniyang Instagram post, sinabi nito na “totally devastated” siya nang mapanood ang nangyayaring sunog sa Australia.

Read more...