Tulak ng droga timbog sa Tiaong, Quezon

Arestado ang isang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Tiaong, Quezon Sabado ng gabi.

Batay sa ulat ng Tiaong police, nakilala ang nahuling suspek na si Anthony Lumba, 26-anyos.

Naaresto si Lumba matapos positibong makabili ng shabu ang mga otoridad sa bahagi ng Barangay Poblacion 1 bandang 11:00 ng gabi.

Nakuha sa suspek ang limang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P13,000.

Kabilang ang suspek sa drugs watch list ng pulisya.

Mahaharap si Lumba sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...