Magnitude 3.6 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Davao Occidental, Sabado ng umaga.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 113 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 7:36 ng umaga.

May lalim ang lindol na 73 kilometers at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nakapagtala ng anumang intensities sa mga karatig-lugar.

Wala ring napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...