Tubig sa Angat Dam umabot na sa 204-meter level

Patuloy ang pagtaas ng tubig sa Angat Dam bunsod ng mga pag-ulan na dala ng northeast monsoon o Amihan.

Batay sa 6am dam information update ng PAGASA-Hydrometeorology Division, umabot na sa 204.05 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Mas mataas ito ng 0.36 meters kumpara sa 203.69 meters na naitala kahapon.

Gayunman, malayo pa rin ang lebel ng tubig sa Dam sa target na 210 hanggang 212 meters para mahinto ang umiiral na water interruptions.

Nanatili naman sa 77.71 meters ang antas ng tubig sa La Mesa dam gaya ng naitala kahapon.

Nadagdagan din nang bahagya ang tubig sa Ambuklao at Binga dams habang nabawasan ang sa Ipo, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya.

Read more...