Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, tail-end of a cold front at northeast monsoon o Amihan ang weather systems na umiiral sa bansa sa ngayon.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Aurora dahil sa Amihan.
Dahil naman sa tail-end of a cold front, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang maalinsangan na may posibilidad lamang ng mga panandaliang buhos ng ulan.
Nakataas pa rin ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Calayan
– Babuyan
– Cagayan
– Isabela
– Northern coast ng Ilocos Nore
– at Aurora