Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang City Veterinary Office ng lungsod ang nakadiskubre sa ASF-infected meat sa SM Cherry sa QC noong Disyembre 2019.
Kumuha ang mga otoridad ng sample ng karne mula sa lahat ng chiller ng supermarket at ang karne mula sa isa sa mga chiller ang nagpostibo sa virus.
Kinumpirma din ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagpositibo nga sa ASF ang karner.
Ayon kay Dar, ang kumpanyang North Star ang supplier ng karne ng SM Cherry at nagpalabas na sila ng notice of closure dito.
Tiniyak naman ng North Star na makikipagtulungan sila sa DA at sa NMIS.
Pansamantala ding itinigil ng North Star ang kanilang operasyon para isailalim sa sanitation ang kanilang mga pasilidad.