Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, ang MMDA contingent ay bubuuin ng mga tauhan mula sa Metro Public Safety Office (MPSO), Traffic Discipline Office, Metro Parkways Clearing Group, at Sidewalk Clearing Operations Group, na pawang mga inatasan para umasiste sa mga pulis at sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
Bukod sa mga tauhan, magpapakalat din ang ahensya ng ambulansya, road emergency vehicles, traffic mobile cars, at iba pang kinakailangang kagamitan.
Ayon kay Lim, nangako rin ng tulong ang mga volunteer ng MMDA para sa Traslacion ngayong taon.
Makikipagtulungan ang mga ito sa MPSO sa pagbibigay ng first-aid treatment sa mga deboto at pagbibigay ng rescue at emergency response kung kinakailangan.
Iniutos na din ang paglilinis sa ruta ng prusisyon at pinaaalis ang mga kalat at anumang obstruction para sa kaligtasan ng mga lalahok na deboto.
Ayon naman kay Michael Salalima, concurrent Chief of Staff ng Office of the General Manager at Focal Person para sa Disaster Risk Reduction and Management, nagtatayo na ng tents, plastic barriers, at fences sa Quirino Grandstand kung saan magaganap ang ilang aktibidad kbilang ang “Pahalik”, prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno, Vigil, at misa.
Pupwesto sa hulihan ng prusisyon ang mga street sweepers at tauhan ng road clearing group para agad na malinisan ang kalsada sa mga basura.